-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kasabay ng inilunsad na kampanya na “bawal ang pasaway sa Boracay,” ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Malay ang 10 establishment at isang istasyon ng radyo sa isla.

Batay sa ipinalabas na closure order ni Malay Mayor Frolibar Bautista, ipinasara ang Radyo Boracay/Radyo Birada, 7-J Martin Jewelry Maker and Repair, JB Salon, Souvenir Shop (Asralla Casan), A-Kon Laundry Strategy and Marketing Consultancy, Inc., Tourist Inn and One Big Wash, Fed’s Pizza House, C and F Cuisine, Aww Meow and More Animal Center, Sacapa no Place, dating Paupatri, at Acevedo Panol Optical, Inc.

Ipinasara ang mga ito dahil sa kawalan ng business/mayor’s permit to operate at hindi pagbabayad ng mga kaukulang buwis.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Mayor Bautista ang mga negosyante at residente sa Boracay na sundin ang mga ipinatutupad na batas at alituntunin ng gobyerno upang makompleto ang isinasagawang rehabilitasyon ng isla.