-- Advertisements --

Matagumpay na napauwi ang 10 locally stranded individuals mula sa Cebu City patungong Zamboanga Peninsula sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 9.

Napag-alaman na dumating ang 10 mga estudyante sa Puluan Port Dapitan City sakay ng DA – BFAR Monitoring, Control and surveillance (MCS) 3010 vessel.

Kung saan walo sa mga ito ay uuwi sa iba’t ibang lugar dito sa probinsya ng Zamboanga del Norte samantalang 2 naman ang uuwi sa Zamboanga del Sur na agad namang sinundo ng kani-kanilang mga LGU.

Siniguro naman ng BFAR 9 na ang mga naihatid na LSIs ay sasailalim sa quarantine protocols na naaayon sa patakaran nga kanilang mga LGUs.

Ang mga napauwing indibidwal ay ilan lamang sa mga benepisyaryo ng hatid probinsya program ng pamahalaan sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno.