BUTUAN CITY – Labis ang galak at halos di makapaniwala si Gerald Lumbayan – ang coach ng Agusan National High School matapos makamit ng kanilang pelikulang ‘Kulintas ug Bala’ ang kampeonato sa 1st PNP-13 Film Festival.
Ito ang naging reaksyun ni Lumbayann sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan.
Napag-alamang mula sa kabuuang 40 mga short film entries, napabilang sa 10 finalists ang Kulintas ug Bala ng Agusan National High School; Katapatan sa Kapahamakan ng Tubay National High School, Tubay, Agusan del Norte; Gamu-Gamo ug Gomad ng Northwestern Agusan Colleges, Nasipit, Agusan del Norte; Eli, Eli, Lama Sabachthani ng Nasipit Vocational School, Nasipit, Agusan del Norte;
Uniporming Kupas ng Northern Mindanao Colleges Inc., Cabadbaran City; Ang Ugma ng Mother of Mercy Academy, Barobo, Surigao del Sur; Blood ng Saint Theresa College, Tandag City, Surigao del Sur; at Magkabilang Panig ng Saint Michael College, Cantilan, Surigao del Sur. Nakamit ng Short film na ‘Kulintas ug Bala’ na entry ng Agusan National High School ang kampeonato sa isinagawang film festival awards night, habang 3rd Placer ang, “Ang Ugma” at 2nd Placer ang “Gomad”.
Samantala sineguro naman ni PMGen Benigno Durana Jr., ang Directorate for Police Community Relation na ipapalabas sa lahat ng paaralan at unibersidad nationwide ang lahat ng short films upang mabigyan babala ang mga mag-aaral hinggil sa mapaglinlang na recruitment ng makakaliwang grupo.