-- Advertisements --

Magbabawas na raw ang Cebu Pacific ng 10 flights kada araw ngayong buwan ng Mayo.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, ito ay para bigyang daan ang operational recovery ng naturang airline company.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na hindi malaki ang magiging epekto ng flight cancellations na ito sa business operations at financial condition ng airline.

Maalalang noong April 28 ay nagsimula nang magkansela ng 40 biyahe ang airline.

Idinahilanan naman ng kumpanya ang damaged aircraft at heavy traffic kaya sila nagbawas ng flights.