-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Dinala sa Isolation Center ng Sanitarium Hospital sa Sultan Kudarat Maguindanao ang sampung Frontliners ng BARMM READI itoy matapos na makasalamuha nila ang apat na Locally Stranded Individual (LSIs) mula sa lalawigan ng Lanao Del Sur at nagpositibo sa CoronVirus Disease (Covid 19).

Sinabi ni Ministry of Interior and Local Government (MILG) Minister at BARMM Readi Head Atty. Naguib Sinarimbo, bagaman nasa maayos na kondisyon sitwasyon ang apat na LSI at mga asymptomatic mas minabuti ng mga Frontliners na masiguro hindi lamang ang kanilang kaligtasan kundi maging ng kanilang katrabaho at pamilya.

Noong nakalipas na linggo ng nagpositibo ang apat na LSI sa RT-PCR Test.

Ang mga frontliners mula BARMM READI ang umasekaso sa mga ito.

Hinihintay na lamang ngayon ng mga frontliners ang resulta ng ginawang test sa kanila dagdag pa ni Atty. Sinarimbo.