Tinatayang nasa 10 hanggang 13 bagyo ang papasok sa Pilipinas mula Mayo hanggang Oktubre ngayong taon ayon sa Department of Science and Technology.
Ayon kay state weather bureau senior weather specialist Rusy Abastillas, 1 o 2 tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Mayo at Hunyo habang 2 hanggang 3 ang posibleng mabuo kada buwan mula Hulyo hanggang sa Oktubre.
Sa Hunyo, ianasahang dadaan ang bagyo sa timog o gitnang Luzon at mag-recurve patungong hilagang Luzon.
Inaasahan din na sa Hulyo mas maraming pag-ulan kung saan tinatayang karaniwang tatahakin ng bagyo ay sa Luzon.
Ang mga bagyo naman sa Oktubre ay karaniwang makakaapekto sa Luzon at Visayas at magla-landfall.
Samantala, mayroong 60% na tiyansa na magdevelop ang La Nina sa pagitan ng Hunyo at Agosto. Subalit posibleng mababa ang tyansa ng pag-ulan sa Hunyo at Hulyo lalo na sa western part ng bansa.