Ibinunyag ng pamahalaang lungsod ng Makati na hindi kasama ang 10 EMBO barangays mula sa National Tax Allotment ng siyudad ngayong taon.
Ayon kay City Administrator Claro Certeza. base sa Department of Budet and Management Memorandum No. 87-A na may petsang Disyembre 28, 2023, makakatanggap lamang ang lungsod ng Makati ng national tax allotment nito para sa 23 natitirang barangay sa ilalim ng hurisdiksiyon nito.
Kabilang dito ang 20 barangay sa District 1 kasama ang Guadalupe Viejo, Guadalupe Nuevo at Pinagkaisahan.
Nangangahulugan aniya na ang Taguig ang mayroong buong reponsibilidad para sa pagbibigay ng mga benepisyo at pangangalaga sa kapakanan ng mahigit 300,000 residente na nasa hurisdiskyon na ng nasabing lungsod.
Batay sa memo, makakatanggap ang Makati ng mahigit P1 billion para ngayong 2024 kung saan bago matangga ang EMBO barangays, nasa mahigit P1.7 billion sana ang matatanggap ng Makati city.
Sinabi naman ni Adm. Certeza na ang nakaltas na P770 million mula sa National Tax Allotment ng lungsod ay mayroong epekto sa mga programa at serbisyo ng city government.