Muling nakatanggap ng dagdag na vaccine allocation ang Philippine National Police (PNP) mula sa Department of Health (DOH).
Nasa 10,000 doses ng Johnson&Johnson vaccine ang naideliver sa PNP nitong Martes, August 3,2021.
Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support For Covid-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, nasa 2,000 vials ng Johnson&Johnson vaccine ang kanilang natanggap.
Ang nasabing mga bakuna ay para sa mga police personnel na naka-assign dito sa NCR Plus 8 at sa mga island provinces.
” Anne, we received 2k vials (equivalent to 10,000 doses) of Johnson&Johnson ( J&J) from DOH, intended for our personnel in NCR plus and island provinces which cannot be accomodated by vaccines allocated for LGUs considering that Janssen vaccine is single-dose only,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Ayon pa sa Heneral, kanila pang tinutukoy ang mga island provinces na kanilang pagbibigyan ng bakuna at ang priority ay ang mga lugar na hindi ma-accomodate sa local government units.
” To be determined pa mga island provinces Anne in case hindi sila ma accomodate sa LGUs. But priority is NCR plus 8 kung saan may surge ng covid cases,” dagdag pa ni Vera Cruz.
Dahil sa sunud-sunod na pagdating ng kanilang vaccine allocation, nasa kabuuang 139,71 doses na ang na-administered sa PNP.
Batay sa datos na inilabas ng ASCOTF, 101,663 police personnel o halos 50% na mula sa 220,663 kabuuang pwersa ng PNP ang nabakunahan.
Sa nasabing bilang 51,764 dito ang fully vaccinated at 49,899 ang naka first dose, habang 119,000 pa ang hindi pa nabakunahan.
Patuloy ang paghihikayat ng pamunuan ng PNP sa kanilang mga personnel na magpabakuna ng sa gayon magkaroon ng proteksiyon lalo at may banta ng Delta variant.
Una ng nakatanggap ang PNP ng vaccine allocation na Sinovac, Sputnik-V, Moderna at ngayon Johnson&Johnson bilang bahagi sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan.
Samantala, patuloy na nagpapagaling ang 82 personnel ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3 na nagpositibo sa Covid-19.
Ayon kay Lt Gen. Vera Cruz, hinihintay pa rin nila ang resulta para mabatid kung anon variant ng Covid-19 ang tumama sa mga nasabing pulis.
” Wala pa kmi info Anne since LGU QC ang nag swab sa QCPD personnel. Medyo matagal yata genome sequencing.Yung sa case sa Iloilo, very limited din kase access sa RTPCR testing duon kaya most probably hindi ganun ka frequent RTPCR testing nila. Sa mga areas kase na limited ang mga molecular laboratories, target testing ang nangyayari so unless may mag manifest ng symptoms dun palang sila ite-test,” mensahe ni Vera Cruz.
Hinimok naman ng PNP-ASCOTF ang mga police commanders sa ibat-ibang regional police offices na mag avail ng iba pang mga available test para magkaroon ng early detection sa kanilang hanay.
” Actually we encouraged yung mga unit commanders natin sa mga regions to avail of other test available like the antigen test for early detection. Kasabay nito ay ang madalas na pag-iissue ng stern reminder sa observance of MPHS para sa kaligtasan ng lahat dahil
sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga pulis na nagpa bakuna na, ang banta ng covid infection ay hindi pa din nawawala because of the emerging variants,” dagdag pa ni Lt.Gen. Vera Cruz.