-- Advertisements --

Inaasahang karagdagang 10,000 hanggang 15,000 na pasahero ang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Semana Santa, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA)..

Ayon kay MIAA general manager Eric Ines, nasa 135,000 ang naitalang average na bilang ng mga pasahero kada araw sa nakalipas na dalawang linggo.

Nilinaw ni Ines na ang projection ng MIAA ay batay sa datos noong Semana Santa noong 2024.

Noong nakaraang taon kasi, mayroong 1,040,707 na pasahero sa NAIA ang naitala mula Palm Sunday hanggang Easter Sunday, mas mataas ito ng 12 porsiyento kumpara sa 926,755 na pasahero noong 2023.

Noong Holy Week noong 2024, naitala ng NAIA ang pinakamataas na dami ng mga pasahero na nasa 139,894 noong Easter Sunday, habang ang pinakamababang tally ay nasa 124,230 noong Biyernes Santo.