Nasa 10,000 katao na ang naitalang lumabag sa motorcycle backride protocols.
Ito ay base sa datos na inilabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano.
Ayon kay Año, pinapayagan ng IATF ang motorcycle backrides ay para lamang sa mga mag-asawa o mga live-in partners.
Sinabi ng kalihim kung patuloy ang paglabag ng mga motorcycle riders sa panuntunan ng IATF bilang bahagi ng safety protocols, hirap silang payagan “later on” ang mga magkakapamilya na magka-angkas.
Binigyang-diin ni Año, hanggang July 31, 2020 na lamang ang palugit na kanilang ibinigay sa mga motorcycle riders par maglagay ng barrier shield sa kanilang motorsiklo.
Una rito, dalawang prototypes barrier shield ang inapbrubahan ng gobyerno ang Bohol designed barrier shield at backpack-like design mula sa platform na Angkas.
Sa kabila nang batikos sa paggamit ng barrier shield sa mga motorsiklo, naniniwala si Ano na ligtas ang mga barrier design at dumaan ito sa testing.