-- Advertisements --
Nakatakdang isailalim sa COVID-19 test ang nasa 10,000 katao sa Thailand, matapos ang nangyaring outbreak ng nasabing virus sa pinakamalaking seafod market.
Nasa 700 kasi na bagong impeksiyon ang naitala sa Mahachai market and port mula ng magpositibo ang 67-anyos na babaeng nagbebenta ng hipon sa nasabing lugar.
Karamihan sa mga nagpositibo ay mga manggagawa na tubong Myanmar.
Dahil dito ay pinayuhan nila ang mga ito na huwag ng lumabas sa
kanilang mga bahay.
Aabot lamang sa mahigit 4,000 ang kaso ng COVID0-19 sa bansa kung saan mayroong 60 na ang nasawi.