-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot na sa 150 na mga kasapi Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) combatants ang sumuko sa mga otoridad matapos na madagdagang ng sampung mga kasapi ng Daesh-inspired terror group.

Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, Army’s 6th Infantry Division (ID) commander ang mga sumukong rebelled ang nagmula sa BIFF Karialan faction na nagsasagawa ng operasyon sa ibat-ibang lugar sa Maguindanao gaya ng Shariff Aguak, Pagatin o Datu Saudi Ampatuan town, Mamasapano at Shariff Saydona.

Ayon kay Uy, pagod na sa pakikipaglaban sa militar ang mga BIFF dahil sa sunod-sunod na operasyon laban sa kanila kaya’t nagdesisyon na sumuko upang makapamuhay ng tahimik.

Dala rin sa pagsuko ng mga ito ang kani-kanilang mga matataas na kalibre ng baril.

Kaugnay nito, makakatanggap naman ng livelihood package ang mga sumukong rebelde.