LA UNION – Umaabot sa 26 local officials na karamihan ay opisyal ng barangay ang inireklamo ng 28 indibiduwal, dahil sa sinasabing anomalya sa distribusyon ng Social Amelioration Program (SAP) sa buong rehiyon uno.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCol. Richard Verceles, Asst. Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 1, sampung kaso na ang kanilang naimbestigahan pero walo pa lang ang naisampa nila sa piskalya, partikular ang kasong paglabag sa R.A 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Kabilang dito ang tatlo sa Ilocos Sur, anim sa Pangasinan, at isa dito sa La Union.
Gayunman, ang nag-iisang kaso sa lalawigan ay agad inindurso sa DILG para sa administrative action at isang complainant din ang nagback-out.
Nag-ugat ang reklamo ng 28 complainant dahil kulang ang natanggap na cash aid na imbes na P5,500 ay naging P3,500 dahil ipinasoli umano ng mga brgy. officials.