-- Advertisements --
image 254

Nasa 7 katao kabilang ang gunman sa inisyla na namatay sa panibagong mass shooting incident sa isang Walmart supermarket sa Chesapeake Virginia, USA.

Nadiskubre sa mismong pinagganapan ng krimen ang maraming katawan na namatay at nasugatan sa nangyaring panibagong insidente ng pamamaril.

Ayon kay Chesapeake Police Department officer Leo Kosinski na iisa lamang ang gunman sa naturang krimen kung saan pinaniniwalaan na ang gunman ay isang store manager na kalaunan ay nagbaril din sa sarili.

Iniimbestigahan na ang mga awtoridad ang karumal-dumal na krimen at wala pang nakikitang motibo sa ngayon sa naturang insidente.

Sinabi naman ni Virginia state Senator Louise Lucas na kumakatawan sa rehiyon ay hindi ito titigil hanggang sa mahanap ang solusyon para mawaksan ang gun violence epidemic sa kanilang bansa na kumitil na ng maraming mga buhay.

Ang naturang mass shooting incident ay ilang araw lamang matapos ang nangayari namang shooting incident sa isang LGBTQ nightclub sa estado ng Colorado kung saan limang katao ang namatay at nasa 17 naman ang nasugatan.