-- Advertisements --

Nasa 10 katao ang nasawi matapos ang pagkadulas ng bus at bumangga sa poste sa Croatia.

Pawang mga galing sa Frankfurt, Germany at Pristina, Kosovo ang mga nasawing pasahero ng bus at pagdating nila sa Zagreb ay doon nahulog ang bus sa bangin.

Dinala sa pagamutan ang nasa 45 ibang mga pasahero na nasagutan sa insidente.

Inaalam na ng mga otoridad ang naging sanhi ng aksidente.