-- Advertisements --

DAVAO CITY- Umabot na sa 10 indibidwal ang kumpirmadong patay matapos ang pagguho ng lupa sa mining area ng Purok 20, Pag-asa, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro kahapon, pasado alas-12 ng tanghali.

Ayon sa listahang inilabas ng awtoridad, kinilala ang mga biktima na sina:
1) Catherine Gumatin, 27-anyos, ina
2) Hannah Gumatin, 9-anyos
3) Dysna Gumatin, 3-taong-gulang
4) Arjay Gumatin, 1 taong gulang
5) Cristelle Gumatin, 10-anyos
6) Ailee Gumatin, 8-anyos
7) Marjomie Nenaria, 33 taong gulang
8) Agnes Bitoon- 44-anyos
9) Elvera Saldua- 35 taong gulang
10) Ritchel Reboldad- 35 taong gulang

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang bangkay ni Rommel Gumatin, 36 anyos, ama ng nasabing pamilya.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hihintayin nilang mahanap ang bangkay ng ama ng pamilya saka ililibing ang iba pang miyembro ng pamilya Gumatin.