-- Advertisements --
Patuloy pa ang pag-init ng panahon sa bansa ngayong kalagitnaan ng buwan ng Abril.
Sa katunayan, 10 lugar sa kapuluan ang nakapagtala ng mataas na heat index o nasa dangerous level.
Sa datos mula sa Pagasa, ang San Jose City, Occidental Mindoro ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na 45.3 degrees Celsius.
Ang iba pang lugar na kasama sa nakapagtala ng mataas na heat index ay ang mga sumusunod:
- Amulong, Batangas – 44.4 degrees Celsius
- Sangley Point, Cavite – 43.9 degrees Celsius
- NAIA Pasay City, Manila – 43.7 degrees Celsius
- Butuan City, Agusan Del Norte – 42.7 degrees Celsius
- Casiguran Aurora – 42.7 degrees Celsius
- Guiuan, Eastern Samar – 42.7 degrees Celsius
- Cotabato City, Maguindanao – 42.6 degrees Celsius
- Dipolog City, Zamboanga Del Norte – 41.9 degrees Celsius
- Davao City, Davao Del Sur – 41 degrees Celsius
Samantala sa Port area sa Maynila, 39 degrees Celsius ang naitalang heat index at 39.2 degrees Celsius naman sa Pagasa Science Garden sa Quezon City.