-- Advertisements --
DIAMOND PRINCESS
DIAMOND PRINCESS/ IG Post

Nasa 10 katao na lulan ng cruise ship na nakadaong sa Yokohama port sa Japan ang nagpositibo sa coronavirus.

Kabilang dito ang isang Filipino seafarer na nagtatrabaho sa Diamond Princess cruise ship.

Ayon kay Japanese Health Minister Katsunobu Kato, na tatlong nCoV positive na pasahero ay mula sa Hong Kong, dalawa sa Australian at isang American.

Dagdag pa nito nasa 2,666 na guest at 1,045 na crew ng cruise ship ay sumailalim sa 14-day quarantine.