-- Advertisements --

Umaabot na ngayon sa 10 mga doktor ang namamatay sa Pilipinas dahil sa pakikipaglaban sa deadly virus.

Ito ang kinumpirma ngayon ng Philippine Medical Association (PMA).

Gayunman tumanggi munang isapubliko ng asosasyon ng mga doktor ang huling nasawi habang wala pang abiso ang pamilya.

Una nang tinawag ng Pangulong Duterte at DOH ang mga doktor na bahagi ng mga front line heroes ng Pilipinas kaugnay sa digmaan kontra sa coronavirus disease.

Ang iba pang mga doktor na casualties dahil sa coronavirus pandemic ay ang mga sumusunod:

-Dr. Israel Bactol, cardiologist, Philippine Heart Center
-Dr. Rose Pulido, oncologist, San Juan de Dios Hospital
-Dr. Gregorio Macasaet III, anesthesiologist, Manila Doctors Hospital
-Dr. Raul Hara, cardiologist, Philippine Heart Center
-Dr. Henry Fernandez of Pangasinan Medical Society
-Dr, Marcelo Jaochico of Pampanga Provincial Health Officer
-Dr. Raquel Seva, obstetrician-gynecologist Evangelista Specialty Hospital in San Pedro Laguna
-Dr. Hector Alvarez of Novaliches District Hospital and
-Dr. Sally Gatchalian, President of the Philippine Pediatric Society

Samantala muli na namang iginiit ni PMA president at Dr. Jose Santiago Jr., na mahalaga ring sumailalim sa COVID-19 testing ang mga health care workers.

Muli rin itong nanawagan sa kakulangan pa rin ng personal protective equipment (PPE) na sana ay matugunan sa gitna nang kinakaharap na global health crisis.