DAVAO CITY – Aasahan na ngayong buwan ng Marso, mas marami pang mga pulis ang ma-cater sa molecular laboratory ng PNP dito sa lungsod at maraming mga specimen rin mula sa katabing rehiyon ang maaring ma-proseso.
Nabatid na operational na ngayon ang molecular laboratory sa PRO-11 kung nasa 282 na mga personahe ng PNP ang una ng isinailalim sa RT-PCR test kung saan sa nasabing bilang, 10 nito ang nagpositibo.
Ayon pa kay Major Eudisan Gultiano, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-11, maaaring maka-proseso ng 120 specimen ang nasbaing laboratoryo.
Sa kasalukuyan, ekalusibo muna ito sa mga kapulisan ng Davao region ito para mamonitor ang kondisyon ng kanilang kalusugan lalo na at karamihan sa mga ito ay nadestino sa mga Barangay na mataas ang kaso ng Covid-19.