-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nasa 10 mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFW) na dumating sa Davao International Airport (DIA) ang nagpositibo sa Covid-19.

Sa nasabing bilang, tatlo nito ang mula sa Dhaka Bangladesh at pito ang mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Kung maalala, nasa 138 OFWs ang mula sa Dhaka, Bangladesh at 350 OFWs ang sa Dubai, United Arab Emirates o kabuuang 488 OFWs ang summating sa Davao International Airport sa nakaraang linggo.

Nilinaw ni Mayor Inday na tanging international repatriation flights lamang ang tinatanggap ngayon sa siyudad.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang health at safety protocols sa mga OFWs at returning overseas Filipinos (ROFs) kung darating ang mga ito sa airport para maiwasan ang posibleng pagkalat ng bagong COVID-19 variants.

May hinahandan na umano ang lokal na pamahalaan ng 1,078 rooms sa iba’t-ibang hotels para ma-cater ang mga uuwing OFWs at ROFs.

Wala umanong dapat na ipag-alala patungkol sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa gitna ng patuloy na pagtanggap ng mga repatriates mula sa ibang bansa.