-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit quarter ng populasyon ng Ukraine o katumbas ng 10 million na mamamayan nito ang tumakas papalabas ng naturang bansa simula ng umatake ang Russia sa Ukraine.

Ayon United Nations refugee agency, aabot sa kabuuang 3.4 million refugees ang nagtungo sa karatig na bansa ng Ukraine karamihan sa border ng Poland.

Ilan aniya dito ay na-displaced sa loob ng bansa o naging refugees sa ibang mga bansa.

Mayroong mahigit 3.3 million Ukrainians ang nasa borders ng Ukraine habang nasa 60,352 naman ang sumama sa exodus.

Nasa 90 porsyento sa mga tumakas ay pawang mga kababaihan at bata dahil na rin sa utos ni President Zelensky sa pagbabawal sa mga kalalakihan na 18-anyos pataas na ‘wag umalis ng bansa para tumulong na idepensa ang Ukraine.

Mahigit 1.5 million bata aniya ang kabilang sa mga tumakas abroad ayon naman sa Unicef na pinangangambahang maharap sa human trafficking at exploitation.