Nasangkot sa aksidente ang nasa 10 miyembro ng medical team ng Department of Health (DOH) na nagbigay ng medical services sa Traslacion 2025.
Ito ay matapos na sumalpok ang isang dump truck sa kanilang sinasakyang van sa may Edsa Muñoz bandang alas-3:30 ng madaling araw ngayong Biyernes, Enero 10. May isang sasakyan din ang nadamay sa aksidente.
Ayon sa mga awtoridad, pauwi na sana ang medical team ng DOH nang mangyari ang aksidente.
Paliwanag naman ng driver ng truck na sangkot sa aksidente na nakaidlip ito habang nagmamaneho habang ayon naman sa MMDA Traffic Enforcer, paliko sana ang van na sinasakyan ng medical team nang bumangga ang naturang truck.
Sa ngayon, dinala na sa QC Police District Traffic Sector 6 ang mga sasakyan at driver na sangkot sa aksidente para sa imbestigasyon.
Samantala, sa kasalukuyan, inaantay pa ng Bombo Radyo ang