-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ni Swedish King Carl XVI Gustaf ang naganap na pamamaril sa sa paaralan na ikinasawi ng 10 katao.

Nagulat na lamang ang mga mag-aaral at guro sa paaralan na matatagpuan sa Orebro, Sweden.

Lahat ng mga nasawi ay natagpuan sa loob ng gusali ng paaralan.

Naniniwala sila na mag-isa lamang ang suspek sa nasabing insidente.

Hindi naman itinuturing ng mga kapulisan na isang uri ng terorismo ang nasabing insidente.

Naniniwala din sila na maaring isa sa mga nasawi ang suspek kaya patuloy ang pagkuha nila ng mga pagkakakilalan ng mga ito.

Itinuturing naman ni Prime Minister Ulf Kristersson na ito na ang pinakamadugong pamamaril sa loob ng paaralan ng kanilang bansa.