-- Advertisements --

NEW ORLEANS, USA – Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi at 35 ang nasugatan nitong Miyerkules ng umaga sa isang posibleng terror attack sa French Quarter ng New Orleans.

Ang salarin ay isang 42-anyos na taga-Texas na nakilalang si Shamsud Din Jabbar.

Sinasabing sinadyang bumangga sa isang pickup truck sa mga nagsasaya sa New Year event sa Bourbon Street, pagkatapos ay nabangga ang kanyang trak at napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Mayroon umano siyang ISIS flag at potensyal na pampasabog sa truck.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.