Muling bibida ang sampung bigating team sa NBA Christmas Day games.
Ang Christmas Day games ay isa sa mga pangunahing inaabangan na schedule sa liga. Sa bisperas kasi ng Pasko ay walang itinatakdang laro at binibigyan ng pagkakataon ang mga NBA player, official, at mga mangagawa sa buong liga para makasama ang kani-kanilang pamilya.
Batay sa schedule na itinakda ng liga, maghaharap ang sampung team para sa limang match na pangungunahan ng New York Knicks kontra San Antonio Spurs.
Susundan ito ng Dallas Mavericks kontra Minnesota Timberwolves, at Boston Celtics kontra Philadelphia 76ers.
Nakatakda ring magharap ang magkaribal na team – ang Golden State Warriors vs Los Angeles. Ang laban sa pagitan ng dalawa ay isa sa mga pangunahing inaabangan sa liga.
Panghuli dito ay ang laban sa pagitan ng Phoenix Suns at 2023 NBA Champion na Denver Nuggets.
Bagaman, isa ito sa mga special day sa NBA, ang resulta ng mga naturang games ay bahagi pa rin ng regular season para sa 2024 – 2025.
Babandera sa mga naturang laban ang mga bigating pangalan sa NBA tulad nina Stephen Curry, Lebron James, Kevin Durrant, Jayson Tatum, Nikola Jokic, atbpa.