-- Advertisements --
4

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Lumobo sa 10 kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa sunod-sunod na operasyon na inilunsad ng militar sa ilang bahagi ng Bukidnon.

Kinumpirma ni 4th ID, Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr ang pagkasawi ng panibagong limang rebelde nang napasok ng 1st Special Forces Batallion at 8th IB, Philippine Army ang hideout nito sa Sitio Cogon-Cogon, Barangay Manalog, Malaybalay City, Bukidnon.

Sinabi ni Garello na nasa 15 na pinagsanib na rebelde mula sa North Central Mindanao Regional Committee ang hinarap ng kanilang puwersa sa halos 20 minuto na palitan ng mga putok hanggang nalagas ang lima sa mga kalaban.

Dagdag ng opisyal na narekober rin ng tropa ang 12 na panibagong klase-klaseng matataas na baril at ibang kagamitang pandigma sa loob ng hideout ng mga rebelde.

Banggit ng AFP na pangalawa na itong pagkakataon na tinamaan ng husto ang komunistang grupo ng unang napagkatala ng limang rebelde ang nasawi,14 arestado habang 16 na baril ang nabawi naman ng 88th IB at 1st Special Forces Batallion nang maganap ang engkuwentro sa mga bayan ng San Fernando,Talakag at Valencia City, Bukidnon noong nakaraang linggo.