-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sampung mga myembro ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ang mga rebelde ay mga sakop ng SRC Daguma, Far South Mindanao Region FSMR ng 1st and 2nd Squad Platoon Cheery Mobile at Myphone.

Sumuko ang mga NPA sa PIT Sultan Kudarat, Regional Intelligence Unit (RUI12), PNP-IG, RID, PRO12, PIB SKPPO, Sultan Kudarat PHPU at Lebak MPS sa Barangay Tibpuan Lebak Sultan Kudarat.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,magazine at pampasabog.

Sinabi ni alyas Joy na pagod na umano sila at nais ng magbagong buhay kasama ang kanilang mahal na pamilya.

Ang mga sumukong NPA ay makakatanggap ng financial assistance at livelihood project sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang mga sumukong NPA at isinailalim sa tactical interogation o debriefing.