CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang 10 mga myembro ng New Peoples Army sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ang mga sumuko ay mga tauhan ng Daguma Front, Sub-Regional Committee Daguma, Far South Mindanao Region.
Sumuko ang mga NPA sa tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Allan Estrera.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang (1) M16 rifle, (1) M203 grenade launcher, (1) BAR caliber .30 rifle, (3) M1 Garand rifles, (2) Springfield rifles, (1) M79 grenade launcher,mga bala at mga magasin.
Nagpasalamat rin si 603d Brigade Defuty Commander Colonel Ali Luis Macawaris sa mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng sampung NPA at tulong ng LGU-Palimbang.
Sinabi ni Joint Task Force Central Commander at 6th Infantry (Kampilan) Division Chief Major General Juvymax Uy na mula Enero nitong taon ay mahigit isang daan (100) na NPA ang sumuko sa militar at pulisya.
Muling hinikayat ni MGen Uy ang ibang NPA na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.