KORONADAL CITY – Walang masidlan ng kasiyahan ang 10 mga OFWs sa Jeddah, Saudi Arabia makaraang tuluyang narenew na ang kanilang Iqama kasabay pa ng pagbibigay ng exit visa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jovelyn Matillano Lipura at residente ng Sultan Kudarat, tila nabunutan sila ng tinik sampu ng kanyang mga kasamahan ng malamang makakauwi na ang mga ito sa bansa makaraan ang mahabang pananatili sa accommodation area ng kanilang agency sa Jeddah.
Lubos ang kanilang pagpapasalamat sa Bombo Radyo Koronadal na naging daan upnag sila ang makauwi na at makapiling ang kanilang pamilya mkaraang naterminate sa kanilang mga trabaho noong nakaraan pang taon.
Sa ngayon hinihintay na lang ng mga ito ang araw ng kanilang repatriation pabalik sa bansa.