-- Advertisements --
Nagkasundo na Metro Manila Mayors ng magkakaparehong curfew hours.
Sa isinagawang pagpupulong ng mga alkalde ng Metro Manila nitong Huwebes ng gabi, magsisimula sa Marso 15 ay magiging mula alas-diyes ng gabi hanggang ala-singko ng umaga ang ipapatupad na curfew.
Sinabi pa ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos, na walang age limit ang kanilang sisitahin sa nasabing curfew.
Ang nasabing desisyon aniya ay matapos ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Inaasahan na ilalabas agad nila ang resolusyon para sa pagpapatibay ng nasabing kautusan.