-- Advertisements --

Nasa 10 Palestinians ang naitalang nasawi sa isinagawang airstrike ng Israel sa lungsod ng Gaza nitong Sabado, kung saan target umano nito ang isang Hamas Commander.

Batay sa ulat, tumama ang airstrike sa isang residential housing unit sa Al Tuffah sa siyudad ng Gaza.

Sa pahayag ng Israeli military, ang timaan daw ng kanilang bomba ay ang commander sa kulungan ng hamas terrorist cell na siyang sangkot umano sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga “terrorist activities.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Napaulat na marami umano ang namatay dahil sa airstrike. (Beatrice Peniza)