Umaalingasaw ang mabahong amoy sa 10 pang labi na natagpuan sa isang mass grave sa Sonora, Mexico.
Magmula noong Oktubre ay patuloy na nagsasagawa ang mga forensic scientist ng kanilang paghahanap sa mga bangkay.
Sa kanilang pagsasaliksik, umabot na sa 52 na katawan ang kanilang nahanap sa Gulf of California sa Puerto Penasco. Mas kilala ito sa mga turista bilang Rocky Point.
Ayon sa mga otoridad, hinihinala nila na ang mga katawan ay biktima ng mga drug at kidnap gangs na inilibing sa nasabing lugar.
Dadalhin ang nahukay na labi sa Hermosillo City para sa posibleng identity ng mga ito at para na rin sa karagdagang imbestigasyon.
Patuloy na isinagsawa ang pag-autopsy sa mga ito at humihingi rin ang ilang mga forensic personnel ng DNA samples sa mga kamag-anak ng mga ‘di pa nanahanap na labi.