Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10 pang mga kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.
Tatlo sa mga ito ay naiulat na mga local cases kabilang na ang isang 42-anyos na lalaki mula NCR na nagpositibo sa sakit noong December 3 at nakarekober naman noong December 17.
Isang 27-anyos naman na babae mula sa Bicol region ang nagpositibo din sa nasabing variant noong December 14.
Habang noong December 15 naman nagpositibo ang isang 46-anyos na babae na mula rin sa Bicol Region.
Sa isang statement, nagbigay ng babala ang DOH sa publiko na mataas ang posibilidad na magkaroon ng exponential growth sa mga kaso ng COVID-19 at Omicron variant sa bansa dahil sa pagbaba ng pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard.
Batay sa isinagawang epidemiological investigation ay malaki ang tiyansa na magkaroon pa ng local transmission ang nasabing tatlong local cases ng bagong variant.
Ipinapakita din dito na ang mga naitalang mga indibidwal na timaan ng nasabing variant ay nakaranas lang ng mild na pagkakasakit o di kaya’y asymptomatic ang mga ito.
Kapwa mga bakunado na rin at nakatanggap na ng booster shot ang mga ito.