-- Advertisements --

Hinahanap na ng mga otoridad sa India ang nasa 10 pasahero na tumakas mula sa paliparan ng Amritsar City.

Ang nasabing mga pasahero aniya ay nagpositbo sa COVID-19 subalit sila ay tumakas.

Sinabi ni senior district officer Ruhee Dugg na lulan ng international chartered flight ang mga pasahero mula Italy na mayroong 125 pasahero ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa nasabing bansa.

Ayon naman kay Amritsar airport director V.K. Seth na 160 pasahero ang sumailalim sa testing kung saan 19 sa kanila ang exempted dahil mga menor-de-edad ang mga ito.

Nagawang nakatakas ang mga pasahero ng humiwalay ang mga ito sa grupo ng pasahero habang dinadala sana sa quarantine facility.