-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang 10 katao sa Norweigan Cruise Line habang papalapit na itong dumaong sa New Orleans.
Ayon sa Louisiana Department of Health, na pawang mga pasahero at crew ang nasabing dinapuan ng COVID-19.
Umalis sa New Orleans ang Norwegian Cruise Line Holdings Ltd. noong Nobyembre 28 at ito ay nagtungo sa Belize, Honduras at Mexico.
Dahil dito ay naka-quarantine at naka-isolate na ang nasabing mga indibidwal na nagpositibo sa virus.
Lahat aniya ng 3,000 katao na nakasakay ay sasailalim sa COVID-19 testing bago umalis at sila ay bibigyan ng post-exposure at quarantine public health guidance ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).