-- Advertisements --

Patay ang 10 katao matapos na sila ay matabunan sa naganap na avalanche sa isang ski resort sa western Austria.

Nailigtas ang isang katao habang patuloy ang ginagawang paghahanap sa survivors sa Lech-Zuers resort.

Nagmula ang avalance sa 8,858 talampakan.

Nagtulong-tulong na ang mahigit 100 katao kung saan gumamit na ang iba ng helicopters para sa search and rescue operations.

Naglagay ng avalanche warning ang mga otoridad na posibleng mangyari sa mga susunod pang araw.