-- Advertisements --
Kabul
Kabul

Patay ang 10 katao sa naganap na car bombing sa Kabul Afghanistan.

Naganap ang insidente sa security checkpoint malapit sa mga embassies at government buildings.

Bukod pa sa mga nasawi ay mayroong 40 iba pa ang nasugatan.

Mabilis namang inako ng mga grupong Taliban ang nasabing atake.

Target aniya ng car bombing ang convoy ng mga foreign forces.