-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Awayan sa lupa o rido ang ugat sa pagsiklab ng engkwentro sa isang bayan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na umaabot na sa 10 katao ang nasawi at marami ang nasugatan sa kalat-kalat na sagupaan ng magkaaway na grupo sa Barangay Midconding General Salipada K. Pendatun Maguindanao.

Maraming mga sibilyan rin ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.

Pawang mga armado nang matataaas na uri ng armas ang dalawang grupo na myembro umano ng isang Moro Fronts.

Mas lumala ang gulo na sinabayan pa ng awayan sa politika o nakalipas na eleksyon.

Sa ngayon ay may mga tao na ng inatasan si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu para maresolba ang girian ng magkaaway na grupo.