-- Advertisements --

Patay ang 10 katao na kinabibilangan ng siyam na bata sa nangyaring karambola ng 18 sasakyan sa hi-way ng Greenville at Fort Deposit, Alabama.

Sinabi ni Butler County Coroner Wayne Garlock na ang mga biktima ay may edad mula nine months hanggang 17 taon.

Base sa inisyal na imbestigasyon na maaring nawalan ng kontrol ang mga sasakyan dahil sa sama ng panahon na nararanasan sa lugar.

Sinalanta kasi ang Alabama ng tropical depression Claudette na nagdulot ng flash floods at tornadoes na ikinasira ng maraming kabahayan.

Nasawi din ang ama ng siyam na buwang gulang na batang babae na lulan ng isang kotse.

Ang ibang walong biktima ay mula sa sasakyan na pag-aari ng Tallaposa County Girls Ranch isang foster home para sa mga inabandona, itinakwil at mga inabusong mga batang babae kung saan ang pinakabatang nasawi ay apat na taong gulang lamang.