-- Advertisements --

Nasa 10 katao ang nasawi sa pag-atake ng mga militants sa Nigeria.

Gumamit umano ng rocket-propelled grenades ang mga Boko Haram militants at inatake ang mataong lugar sa Maiduguri City.

Sinabi ni Borno state governor Babagana Zulumon na dapat tumigil na ang paggamit ng ganitong uri ng armas.

Ito na rin aniya ang madugong pag-atake na ginawa ng mga Boko Haram militants.

Ang nasabing lugar kasi ay siyang pinagmulan ng grupo.

Natigil lamang ang atake ng dumating ang mga military.