-- Advertisements --

Inatake ng mga armadong grupo sa Pakistan ang pampasaherong tren.

Ayon sa otoridad na kanilang binihag pa ang ilang daang pasahero sa tren station na Balochistan region.

Una rito ay pinagbabaril ng Baloch Liberation Army (BLA) ang Jaffar Express Train na bumabiyahe mula Quetta patungong Peshawar.

Pinasabugan pa nila ang riles bago atakihin ang tren kung saan ipinagpipilitan nila na kanilang nasa kontrol dapat ang nasabing tren.

Aabot naman sa 10 katao ang nasawi sa nasabing insidente.

Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga rebeldeng grupo.