Nasa 10 katao ang nasawi matapos ang pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa expressway sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May kabuuang lulan na anim na pasahero at dalawang crew ng umalis ito mula sa Langkawi International Airport.

Patungo sana ito sa Sultan Abdul Aziz Shah Airport ng mangyari ang aksidente.

Tumama ang eroplano sa isang kotse at motorsiklo na mayroong sakay din na mga tao.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kasapi ng mga otoridad sa nasabing insidente.