-- Advertisements --
Patay ang nasa 10 katao matapos ang naganap na pagbaha at landslides sa Himalayan regions sa pagitan ng India at Nepal.
Dahil sa ilang araw na matinding pag-ulan ay nasa 2,400 na turista rin ang na-stranded sa northeastern Indian state ng Sikkim.
Ayon sa mga otoridad na anim na katao ang nasawi sa Sikkim state habang apat na iba pa ang nasawi sa landslide sa Koshi province.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon dahil noong nakaraang taon ay ilang katao ang nasawi matapos ang glacial lake ay umapaw bunsod na rin ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan.