-- Advertisements --

Patay ang 10 katao habang 29 ang nawawala sa paglubog ng bangka sa Malaysia.

Pawang mga iligal migrants ang lulan ng nasabing barko na dahil sa sama ng panahon kaya lumubog ito.

Tinatayang nasa 60 katao ang lulan ng bangka na lumubog sa southern Johor.

Mayroong 21 katao rin ang nailigtas na karamihan ay natagpuan sa Tanjung Balau.