-- Advertisements --

Nasa 10 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa COVID-19 hospital ng North Macedonia.

Sinabi ng Health Minister Venko Filipce na posibleng tumaas pa dahil marami ang nasa malubhang kalagayan dahil sa sunog sa bayan ng Tetovo.

Umabot sa ilang oras bago tuluyang naapula ng mga otoridad ang naturang sunog.

Hindi pa tiyak ng mga otoridad kung ilang mga pasyente ang nasa loob ng pagamutan ng mangyari ang sunog.