Inanunsiyo na ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang 10 pelikula na kalahok ngayong taon.
Kinabibilangan iton ng “Tagpuan” nina Alfred Vargas at Iza Calzado; “Isa pang Bahaghari” nina Nora Aunor at Philip Salvador; “Coming Home” nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez; “The Missing” nina Joseph Marco at Ritz Azul; “Magikland” nina Jun Urbano at Miggs Cuaderno, “Suarez, The Healing Priest” na piangbibidahan nina John Arcilla at Alice Dixson; “Mang Kepweng, Ang Lihim ng Bandanang Itim” nina Benjie Paras at Ryan Bang; “Pakboys Takusa” nina Janno Gibbs , Andrew E at Dennis Padilla, ” The Boys Foretold by the Stars” nina Adrian Lindayag at Keann John at ang pelikulang “Fan Girl” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.
Ang naunang apat na pelikula ay kalahok sana sa kauna-unahang summer festival subalit hindi ito natuloy dahil sa coronavirus pandemic.
Ngayong taon rin ay kakaiba dahil magiging online na bunsod ng pandemic.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim na kahit may pandemic ay hindi mawawala pa rin ang MMFF dahil ito ay tradisyon na.
Napili ang nasabing 10 kalahok na pelikula base sa mga sumusunod na criteria; artistic execellence (40 percent), commercial appeal (40 percent) , Filipino sensibility (10 percent) at global appeal (10 percent).
Bukod sa ipapalabas sa online ang mga pelikula ay mapapanood din online ang Parade of the Stars at Gabi ng Parangal.
Nakatakdang magbukas ang nasabing MMFF sa araw ng pasko Disyembre 25.