-- Advertisements --

Liggtas na nakauwi sa bansa ang 10 Filipino crewmen ng M/V Transworld Navigator sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City sa pamamagitan ng Cathay Pacific CX 903.

Ito ang ikalawang batch ng 27 Filipino seafarers na ni-repatriate matapos atakehin ang kanilang barko kamakailan ng mga rebeldeng Houthi habang binabagtas ang Red Sea.

Ang mga repatriated seafarer ay nakatanggap ng agarang tulong mula sa gobyerno at tiniyak ang patuloy na suporta, sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga lisensyadong manning agencies at sa may-ari ng barko.