-- Advertisements --
Nahaharap sa kaso ang 10 kapulisan sa Uganda dahil sa pananakit sa 31 babaeng lumabag sa curfew.
Naganap ang insidente noong April 2 sa bayan ng Elegu ang border nila ng South Sudan.
Base sa reklamo, pinahiran ng putik ang maselang bahagi ng babae bilang parusa sa paglabag sa curfew.
Sinabi ni police spokesman Fred Enanga na nagsagawa na ng joint investigation ang police at army.