-- Advertisements --
Nasa 10 mine clearers na nagtatrabaho sa Halo Trust sa Baghlan province sa Afghanistan ang binaril at napatay ng mga Taliban group.
Ayon sa mga opisyal ng Taliban na walang habas na pinagbabaril ng tao kung saan marami ang nasugatan.
Sinabi naman ni Halo Trust CEO James Cowan na tinulungan sila ng mga local Taliban at nilabanan ang mga umatake.
Nauna na ring pinabulaanan ng Taliban na sila ang nasa likod ng nasabing pamamaril.
Ang nasabing insidente ay isa lamang sa pagdami ng mga kaguluhan mula ng magdesisyon ang US na tanggalin na ang kanilang mga sundalo sa Afghanistan.